← Table of contents
Balarilang Tagalog

Note 12 — IKALAWÁNG BAHAGI Pagkilala ó Analogía

Reading edition

Ináakalà kong tumpák ang ganitóng tuntunin sa paglalagáy sa bilang na dalawá ó marami ng̃ mg̃a salitâng pangturing na nagbuhat sa ma. Marami ang nápapansin kong gumagawâ na, pinang̃ung̃unahan pa ng̃ mg̃a bukód ang pag-ulit sa unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ ugát, gaya sa halimbawà, ng̃: mg̃a mahahabàng talumpatì, mg̃a dalagang magagandá. Sa ganáng kurò ko, ang ganitó’y hindî tumpák sapagkâ’t hindî man lagyán ng̃ mg̃a ay nagbabadyá rin ng̃ dalawá ó marami.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings