← Table of contents
Ang Tunay na Búhay ni P. Dr. José Burgos at Nang Manga Nacasama Niya na Sina P. Jacinto Zamora, P. Mariano Gómez at and Nadayang Miguel Zaldua

PASIMULA

Reading edition

Sa tapát n~g nasang namuco sa dibdib, tapát na pagsintang namahay sa isip na maipahayag canilang sinapit, tanang guni-guni'y linupig na tiquís. Cusang pinatuloy tumiim sa hagap ang pinanghauacan ang nanasang liag may ganáp na bait camahalang in~gat, macapagpupuno sa caculan~gang lahat. Ito n~ga't hindi iba tunay dinaanan n~g canilang «búhay» sa Mundong ibabao, na cusang natapos sa abang bitayan, sa pagsintang lubós sa tinubuang bayan. Sila't hindi iba m~ga sacsing tapat, unang «monumento» ng pagpapahamac niyong m~ga fraile sa cainguitang caguiat n~g dunong at yaman tubong Filipinas. Sila namang tunay ang unang larauan na dapat tularan nating calahatan sa pag-uusig n~ga n~g caguinhauahan nitong ating bayang lagui sa ligamgam. Caya ang marapat, oh m~ga capatid: silang m~ga «Martir» alalahaning tiquís, huag lilimutin laguing isa-isip alang-alang baga sa m~ga sinapit. Gayon din naman sa cailan pa man dapat casuclaman ... m~ga fraileng tanan na nagcucunuari «Ministrong» maran~gal «n~g Dios na Poon», bago'y m~ga hunghang. Caya ang mabuti ay tularang lubós m~ga halimbaua ni na Padre Burgos, Gómez at Zamora na pauang tagalog sa tinubuang bayan marunong umirog. Sa baua't may nasang ibig na bumatid n~g canilang búhay tunay na sinapit basahing tuluyan pagtiagaang tiquís cusang ipatuloy itong natititic. Bahala na sana inyong camahalan mag lapat nang ganap sa labis at culang sa baua't talatang inyong matagpuan uari'y nalilihis doon sa catuiran. N~guni't ang samo co bago mo punahín ang lihís sa uari, maiguing linin~gin maca ca sacali naman na malinsil sa daang casamaan malagos na tambing. Cung magcacagayon ang pasasalamat sa camahalan mo aquing iguinagauad at mag-utos naman sa lahat nang oras sa laang capatid na casuyong tapat. Honorio López.

ANG TUNAY NA BÚHAY

NI

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings