← Table of contents
Ang "Filibusterismo" (Karugtóng ng Noli Me Tangere)

Note * — Front matter

Patricio Mariano translation

Kung ihuhulog sa wikang tagalog ang salitáng FILIBUSTERISMO ay lubhang hahaba ang pañgalan ñg aklát na itó at marahil ay mangyaring hindi pa mawatasan ñg babasa, kaya’t hindi na namin inihulog sa wika natin; ñguni’t ílalagáy namán ang katuturán ó kahulugán ñg salitáng itó upang mabatíd noong mg̃a hindi nakaaalam ñg kaniyang kahulugán.

FILIBUSTERO: Galing sa salitáng inglés na freebooter; itinawag sa iláng mangdadambóng na lumagusaw sa karagatang Antillas, América, niyong 1700.—FILIBUSTERO din ang tawag sa mg̃a taong nag-uusig na mápahiwalay sa España ang mg̃a lupaíng sakop nitó, sa kabilá ñg mg̃a dagat, kayá’t ang salitáng FILIBUSTERISMO ay waláng ibáng kahulugán kun di ang adhikáng pag-usígin ang paghiwaláy sa nakasasakop.—P. ng̃ T.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings