Note 1 — PASIMULA
Reading edition
Lima capital nang república nang Perú, may silla arzobispal; may universidad, at iba pang establecimientos literarios; ang mang̃a simbahan ay sagana sa mang̃a alhajas at ornamentos. Sa ciudad din namang ito ay lumitao ang cabalitaang Sta. Rosa de Sta. Maria Patrona de las Indias.