← Table of contents
Noli Me Tangere

Note 3 — SA AKING TINUBUANG LUPA[1]

Pascual Hicaro Poblete translation

Ang cáncer ay masamáng "bùcol" ó bagâ, na hindî maisatagalog na "bagâ" ó búcol, sa pagca't ibang iba sa mg̃a sakit na itó. Caraniwang napagagaling ang "bagâ" ó búcol, datapowa't ang "cáncer" ay hindî. Bawa't dapuan ng̃ "cáncer" ay namamatay. Wala pang lunas na natatagpuan ang mg̃a pantás na manggagamot upang mapagalíng ang "cáncer", na cung pamagatá'y "carcinoma." May nagsasabing napagagaling ang "carcinoma" sa pamamag-itan ng̃ paglapláp sa búcol, cung panahóng bagong litáw, na walang ano mang itítira, datapuwa't palibhasa'y hindî nararamdaman ng̃ may sakít ng̃ carcinoma na siya'y mayroon nito, cung dî cung malubha na, iyan ang cadahilana't walâ ng̃ magawâ ang mg̃a cirujano. Ang caraniwang dinadapuan ng̃ cáncer, carcinoma, ay ang mg̃a taong bayan at hindi ang taga bukid; at lalong madalas sa babae cay sa lalakí. Sa suso ó sa bahay-bata madalás dumápò cung sa babae. Ang sakít na "cancer" ay tinatawag na "Noli me tangere," na ang cahuluga'y "Howag acong salang̃ín nino man;" sapagca't cung laplapin at hindi macuhang maalís na lahat at may matirang cahi't gagahanip man lamang ay nananag-ulî at lalong lumalacas ang paglaganap, tulad sa inuulbusang halaman, damó ó cahoy na lalong lumálacas ang paglagô, at pagcacagayo'y lalong nadadalî ang pagcamatay ng̃ may sakit.—P.H.P.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings