← Table of contents
Noli Me Tangere

Note 1 — SA AKING TINUBUANG LUPA[1]

Pascual Hicaro Poblete translation

A mi pátria, ang sabi sa "original" na wicang castilà. Ang sabing "pátria" ay waláng catumbas sa wícà natin cung dî: ang tinubuang lupà, ang tinubuan bayan, ang kinaguisnang bayan, ang kinamulatang bayan, at iba pa. Ng̃uni't ang sinasabing bayan ò lupà rito'y saclaw ang boong Sangcapuluang Filipinas, hindî ang lupang Naic ó bayang Malabon ó lalawigang Tayabas, cung di ang capisanan ng̃ lahat ng̃ bayan, ng̃ lahat ng̃ lalawigan sa boong Sangcapuluang ito, casama ang mg̃a bundóc, gubat, ilog, dagat at iba pa.—P.H.P.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings