Note 176 — IX.
Pascual Hicaro Poblete translation
Ang cometa'y tulad sa bituing manacanacang napapanood natin sa lang̃it. Ang Cometa'y ma'y buntot na makinang na cung minsa'y isá at cung minsa'y marami. Palibhasa'y ang galaw na painóg ng̃ cometa'y hiwaláy na hiwaláy sa caraniwang liniliguiran ng̃ mg̃a planeta, caya hindî nalalao't ang pagkakita natin sa canya. Isáng casinung̃aling̃ang ilinalaganap ng̃ mg̃a hang̃al na ang pagsicat ng̃ cometa'y nagbabalita ng̃ mg̃a sacunang mangyayari.—Tinatawag ding "cometa" ng̃ mg̃a castilà ang sarangolang papel na pinalílipad ng̃ mg̃a bátà.