Note 125 — VI.
Pascual Hicaro Poblete translation
Si Amadeo "Primero" ay haring "constitucional" sa España buhat sa 1870 hanggang sa 1873. Ang haring ito'y mabait, matalino at bayani. Lubós na umiibig sa canyáng pinaghaharîan; ng̃uni't hindî siyá iniibig, at ng̃ mahalatâ niyá itó'y nagbitáw siyá ng̃ canyáng tungcol, at ang pagbibitaw niyáng ito'y siyáng naguíng dahil ng̃ pagtatag ng̃ República ng̃ España (11 ng̃ Febrero ng̃ 1873).—P.H.P.