Note 113 — V.
Pascual Hicaro Poblete translation
Elefante. Hindî malayong ng̃ caunaunaha'y nagcaroon ng̃ elefante dito sa Filipinas, caya sa wicà natin ay may sadyáng tawag, gadya; samantalang napagkikilalang dito'y talagáng dating waláng cabayo, cayâ sa wicà natin ay waláng sariling pang̃alan ang hayop na itó na di gaya ng̃ áso, baboy, manóc at iba pa.