← Table of contents
Noli Me Tangere

Note 101 — IV.

Pascual Hicaro Poblete translation

Nang panahóng nacapangyayari ang Gobierno ng̃ España sa Filipinas, hindî ipinahihintulot na ang mg̃a castilang lalaki't babae'y gumawâ ng̃ anó mang may cabígatán, gaya bagá ng̃ mag-araro, mag-asaról, mag-pahila ng̃ carretón, magpas-an, ang lalaki, at ang babae namá'y hindi namimilí ng̃ pagcain sa mg̃a pamilihan, hindi naglulutò, hindi naglalácad ng̃ maláyò; inaacala ng̃ mg̃a castilang isáng casiraan ng̃ caniláng puri cung mapanood ng̃ mg̃a filipinong sila'y gumagawa ng̃ mabigat, at nakikigaya namán sa canilá ang mg̃a lahing castilà. Naguíng casabihán tulóy sa catagalugan, dahil sa bagay na itó ang "para ca namáng castila," "para ca namáng señora," sa mg̃a lalaki't babaeng tagalog na aayaw magtrabajo ng̃ mabigát.—P.H.P.

Return to IV.
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings