← Table of contents
Noli Me Tangere

Note 99 — IV.

Pascual Hicaro Poblete translation

Ang balbás na sumisibol sa babà, na pinapag aanyong pera—Ang pera ay ang caraniwang tawaguing "peras." "Pera" pagcâ íisa; "peras" pagcâ dalawá ó marami, ito'y cung sa wícang castilàs sa pagcá't sa wícà natin ay hindî nagbabago ang tawag cung íisa ó marami man. Ipinaliliwanag co itó sa pagca't marami sa mg̃a tagalog na sa dî caalaman ay tinatawag na "pera" ó "pira" ang isáng céntimo, sa pagtulad sa mg̃a castilàng tinatawag na "perra chica" ang caniláng cuartang ang halaga'y isáng céntimo natin ó "perra grande" pagcâ halagang dalawang céntimo. Asong babae ang cahulugan ng̃ sabing "perra," at ganito ang itinawag ng̃ castilà sa canilang cuarta, dahil doo'y may napapanood na isáng leóng ang camukha'y aso.—P.H.P.

Return to IV.
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings