Note 258 — XXXI.
Pascual Hicaro Poblete translation
Hindî dapat calimutan ng̃ bumabasang ang sermóng ito'y sa wicang castilà na aking isinatagalog, bagay na ipinaalaala co, upang maisaysay kung bakit hindî utál ang pananagalog, at gayón din ang cadahilanan cung bakit natacot ang isáng taong iyón. Sa sermóng wicang castilà ni Párì Dámaso'y ganitó ang canyáng sabi: ..."sí, hermanos mios, patente, patente á todos, patente".—Maraming cahulagan ang sabing patente. Ang ilan sa mg̃a cahulugang iya'y ito: nahahayag, na kikita, waláng takip. Tinatawag namang patente ng̃ panahón ng̃ Gobierno ng̃ mg̃a castilà, ang catibayang ibinibigay ng̃ Administracion ng̃ Hacienda publica sa mg̃a taong gumaganap ng̃ pagbabayad ng̃ buwis sa Gobierno dahil sa canyáng calacal. Pinarurusahan ng̃ mabigát na multa ang nang̃ang̃alacal na waláng patente, sa macatwid ay hindî nagbabayad ng̃ buwis sa calacal na canyáng hanap-buhay, caya totoong nagulat ang taong dito'y sinasaysay, sa pagca't ang boong acala niya'y ang sinasabing patente ay ang nauucol niyáng pagbayaran.—P. H. P.