Note 92 — III.
Pascual Hicaro Poblete translation
Ang cahulugán dito'y isang malaking tasang malucóng na pinaglálagyan ng̃ pagcain—Cahulugan din ng̃ wicang "fuente"; Bucál ng̃ tubig na nanggagaling sa lúpà.—Isáng "aparato" upang doo'y lumabas ang tubig na nanggagaling sa mg̃a "tubo" at ng̃ magamit sa bahay, sa daan ó sa halamanan.—Mulâ ng̃ isang bagay.—Ang sugat na talagang guinágawâ sa brazo, sa bintî at iba pa.—Kinacailang̃ang sa pagsasalitâ ng̃ "fuente" ay magpalabas ng̃ hang̃in sa bibig, sa pagca't cung hindi ay masasabing "puente" na ang cahuluga'y tuláy. Ito'y isá sa mg̃a cadahilanan cayâ ayaw acóng makisunod sa bagong palacad na isulat ng̃ P cahi't ang pinanggaling̃a'y F, gaya sa halimbáwà ng̃ Filipinas, Fernando, Faustino na may mg̃a sumusulat ng̃ayon ng̃ Pilipnas, Pernando, Paustino. Gayon ma'y iguinagalang co at hindi co pinipintasan ang sa ibang caisipan at palacad na sinusunod.—Upang maipang̃usap ang "efe" ay idinadaiti ang labi sa mg̃a ng̃iping itaas sacâ magpalabás ng̃ hang̃in sa pagsasalitâ ng̃ letra.—P.H.P.