Note 85 — II.
Pascual Hicaro Poblete translation
Caraniwan sa catagalugan tawaguing "among" ang parì, marahil sa turò rin ng̃ fraile. Ang sabing "among" ay galing sa "amo," na ang cahuluga'y "pang̃inoon," at ang tumatawag ng̃ "amo" ay "alipin." ¿Bakit hindi sila nagpatawag ng̃ "ama" na siyáng cahulugan sa wicang tagalog ng̃ sabing "padre?" ¿Bakit itinutulot ng̃ mg̃a sacerdote na silá'y tawaguin "amo?"