← Table of contents
Noli Me Tangere

Note 255 — XIX.

Pascual Hicaro Poblete translation

Ganito ang narinig cong salitaan ng̃ isang curang fraile at ng̃ isáng tagalog na mangmang baga, ma't mayaman.—Tagalog. Bakit po bá hindi isinasawicang tagalog ang pagmimisa at iba pang panalang̃in, gayóng talastas na ninyong hindi namin nalalaman ang wicang latin?—Cura. Sa pagcá't cung wicang tagalog ay kinakailang̃ang sabihing macaitlo upang maunawa ng̃ Dios ang ating hinihing̃i sa canyá, cung wicang castila'y macalawa, at cung wicang latin ay minsan lámang; itó ang dahil at sa Misterio at sa Trisagio'y na sa wicang latin ang mahalagáng pananalang̃in.

Ng̃ayón naliliwanagan na ng̃ ilaw ng̃ catotohanan ang pag-iisíp ng̃ halos ng̃ lahat ng̃ tagalog, ang gayong pananalità ng̃ curang walang mithî cung di mamahay tayo sa cabulagán ay magtátamo agad ng̃ matindíng pagpapawalang halagá. Cung ganap na catotohanán ang Dios puspós ng̃ carunung̃an waláng hanggán—sa pagca't cung di gayo'y hindi siyá Dios dapat náting sampalatayanang túnay na talós niyá ang lahát ng̃ wicà at sa anó mang wica sabihin ang pagtáwag sa canya'y caracaraca'y nauunawà niyá; hindi lámang itô; di pa natin binúbuca ang ating bibíg ay talastás na niyá ang íbig nating hing̃ín. Ang masamâ ang casamasamaan, sa pagca't isáng pagaacsayá ng̃ panahón ay ang magsasalitâ ng̃ di alám cung anó ang sinasabi, tulad sa ibong papagayo ó loro.—P. H. P.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings