Note 253 — XIX.
Pascual Hicaro Poblete translation
Marahil ang ibig bangguitin ni Dr. José Rizal dito'y ang librong "PAGSUSULATAN NI URBANA'T NI FELIZA" (Urbanidad) na sinulat ni Guinoong Modesto de Castro, presbítero, taga Binyáng, Laguna, at naguing cura párroco sa bayan ng̃ Naic, Cavite. Ang libróng yao'y isáng carikitdikitang patnubay sa magandang pakikipagcapwa-tao at sa mainam na caasalan, bucód sa magalíng na ulirán sa mabuting pananalita't pagsulat ng̃ wícang tagalog.—P.H.P.