Note 251 — XV.
Pascual Hicaro Poblete translation
Isá sa tatlóng mg̃a Furia Gorgona caaway ni Minerva. Pinugutan ng̃ ulo si Medusa ni Perseo. Ang mg̃a pang̃alan ng̃ tatlóng Furia ay Medusa, Euriale at Estenio: ang táong matitigan ng̃ alín man sa tatlóng itó'y hindî macakilos at napípipi. Si Minerva ang diosa ng̃ carunung̃an at pagbabaca. Si Perseo ay anác ni Dánae at hárì sa Argos; iniligtás niyá sa infierno ang canyáng sinísintang si Andrómeda.