← Table of contents
Noli Me Tangere

Note 239 — XIV.

Pascual Hicaro Poblete translation

Templo at ciudadela ng̃ Roma, na na sa ibabaw ng̃ isang bundóc at doon pinuputung̃an ng̃ corona ang mg̃a nang̃agtatagumpay sa pakikibaca. Dating casiping ng̃ Capitolio ang tinatawag na "Roca Tarpeya", malaking bato, na doo'y pinatátayo ang mg̃a may casalanan at bago itinutulac sa bang̃ín at ng̃ doo'y mamatay. Nanggaling ang pamagát na Tarpeya sa pang̃alang ganito rin ng̃ isáng dalagang taga Roma, na nagbilí sa mg̃a sabino ng̃ ciudadela ng̃ Roma, at pagcatapos ay ang mg̃a sabino rin ang pumatáy sa canyá, carapatdapat na ganting pálà sa lahát ng̃ gaya niyáng tacsíl.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings