← Table of contents
Noli Me Tangere

Note 213 — XII.

Pascual Hicaro Poblete translation

Tinatawag ding Calvario, na ang cahuluga'y timbunan ó lalagyán ng̃ mg̃a bung̃ô. Ang Calvario ó Gólgota'y na sa ibabâ ng̃ Jerusalem at caugalîan ng̃ mg̃a judíong doon patayín ang mg̃a tulisán at magnanácaw. Diyán ng̃a ipinácò sa Cruz si Jesús, ang Dakilang Banál na hinatulang mamatay roong tulad sa isáng imbíng magnanácaw. Sa bundoc din ng̃ Gólgota naroon ang halamanan ni José de Arimathea na pinaglibing̃an sa bangcay ng̃ Mananacop. S. Mateo XXVII. 33: Marcos XV. 22; Lúcas XXIII. 32; Juan XIX 17, 41.—Sinasapantáhà ng̃ ibáng iyón din ang bundóc "Moriah", na pinagdalhán ni Abraham sa canyáng anác na si Isaac upang patayín, sa pagtalima sa utos ng̃ Dios. Génesis XXII. 2.—P.H.P.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings