← Table of contents
Noli Me Tangere

Note 80 — I.

Pascual Hicaro Poblete translation

Ang páring catulong ng̃ cura. Ng̃ panahón ng̃ Gobierno ng̃ España, halos ang lahat ng̃ paring filipino ay pawang coadjutor lamang ang naaabot na catungculan; bihirang bihirà ang naguiguing cura, at ang caraniwa'y mg̃a fraile ang naguiguiug cura; caya't ang lahát ng̃ mg̃a cura halos sa sangcapuluang ito'y pawang mg̃a fraile. Aliping mistulà ang pagpapalagay ng̃ mg̃a curang fraile sa mg̃a coadjutor na filipino. Salamat sa revolucióng guinawa ng̃ Katipunang tatag ni Gat Andrés Bonifacio'y nahang̃ò ang mg̃a paring filipino sa gayóng caalipinan; datapuwa't hanggá ng̃ayò'y walá isá man lamang sa mg̃a paring filipinong nacacagunitang magpaunlác cay Gat Andrés Bonifacio. Cahimanawarì sila'y mang̃águising sa panahóng hináharap. ¡Wala ng̃ carimarimarim na púsong gaya ng̃ di marunong tumumbás sa utang na loob!!!

Return to I.
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings