← Table of contents
Noli Me Tangere

Note 54 — I.

Pascual Hicaro Poblete translation

Dating estancado ang tabaco dito sa Filipinas. Ang Gobierno ng̃ España ay siyang namímilì ng̃ tabacong dahon sa mg̃a magsasacá sa mg̃a bayang may pahintulot na magtaním ng̃ tabaco, ang Gobierno ang nagpapadalá dito sa Maynílà siya ang nagpapagawa ng̃ tabaco at cigarrillo at siya rin ang nagbibilí. Sino ma'y walang nacabibilí ng̃ tabacong dahon cung dî ang Gobierno at sino ma'y walang nacapagbibilí ng̃ tabacong dahon, ng̃ tabacong yarì at ng̃ cigarrillo cung dî ang Gobierno. Sa mg̃a bayang may pahintulot na magtaním ng̃ tabaco'y may mg̃a cagawad ang Gobierno, na siyang nang̃ang̃atawa't ng̃ gumalíng ang taním na tabaco at mag-ani ng̃ marami. Ang Gobiernong mamimili ay siya ring nagháhalaga ng̃ tabacong dahong canyang biníbili. Ng̃ taóng 1883 ay inalís dito sa Filipinas ng̃ Gobierno ng̃ España ang estanco ng̃ tabaco at binigyang calayaan ang lahat na macapagtaním at macapagbilí ng̃ tabacong dahon, tabacong yarì ó cigarrillo, at ang inihalili sa estanco ay iba't ibang bagay na pagpapabowis sa mg̃a tagarito.—P.H.P.

Return to I.
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings