Note 50 — I.
Pascual Hicaro Poblete translation
Sinabi co na sa sa isá sa mg̃a paunawà sa Buhay ni Rizal na sa pasimulâ ng̃ librong itó na ang sabing "indio" ay wicang castilà na ang cahuluga'y túbò ó inianác sa India. Ang Filipinas ay mg̃a pulóng na sa panig ng̃ libutáng tinatawag na "Oceanía," at ang India ay na sa panig ng̃ libutáng tinatawag na Asia. Ang tawag na indio ng̃ mg̃a fraile, ng̃ mg̃a castilà at ng̃ mg̃a lahing putî sa mg̃a túbò sa Filipinas ay isáng pag-alimura at pagcutyâ sa mg̃a lahing caymanggui. Caacbáy ng̃ sabing indio ang cahulugang tamád, waláng damdamin, hang̃al, dugong mabábà, cutad na ísip, ugaling pang̃it, waláng cahihiyan at iba pang lalong mg̃a casamasamâan. Sacsí nitóng mg̃a sabi co ang mg̃a sinulat ng̃ mg̃a fraile't castilà tungcol sa Filipinas. Ng̃uni't ang lalong nacatátawa'y ang mg̃a táong túbò rin dito sa Filipinas, na dahil sa maputî ang caniláng balát ay tumatawag sa capowâ tagritong caymangui ng̃ indio ... ¡Mg̃a dukhang damdamin!—P.H.P.