← Table of contents
Noli Me Tangere

Note 34 — I.

Pascual Hicaro Poblete translation

Ang may catungculang umusig sa masasamang tao at mang̃asiwà sa capanatagán ng̃ mg̃a bayanbayan. Ng̃ panahón ng̃ Gobierno ng̃ España'y may dalawang bagay na Guardia Civil dito sa Filipinas: "Guardia Civil" ang pang̃alan ng̃ mg̃a na sa bayanbayan ng̃ mg̃a lalawigan, at "Guardia Civil Veterana" ang na sa ciudad ng̃ Maynílà.—Pawang mg̃a filipino ang mg̃a sundalo ng̃ Guardia Civil at ng̃ Guardia Civil Veterana, at mg̃a castílà ang mg̃a oficial at ang mg̃a púnò. Manacánacáng nagcacaroon ng̃ alferez at tenienteng mg̃a filipino. Ang nahalili ng̃ayon sa Guardia Civil ay ang Policía Insular, na tinatawag ding Policía Constabularia, at sa Guardia Civil Veterana ay ang Policía Metropolitana na pawang americano at ang Policía Municipal na pawang filipino. Bucod sa Guardia Civil at Veterana'y may mg̃a Cuadrillero pa na pawang filipino ang mg̃a sundalo at pinunò, na ang caraniwa'y fusil na walang cabuluhán at talibóng ang mg̃a sandata. Ng̃ mg̃a hulíng taón ng̃ Gobierno ng̃ castila'y nagcaroon sa Maynílà ng̃ mg̃a tinatawag na "Guardia Municipal," na ang dalang sandata'y revolver at sable. Sa macatuwíd ang mg̃a namamahalà ng̃ catahimican ng̃ mg̃a namamayan, ng̃ mg̃a hulíng panahón ng̃ mg̃a castilà, dito sa Maynílà'y ang Guardia Civil Veterana, ang Guardia Municipal at ang Cuadrillero, at sa mg̃a lalawiga'y ang Guardia Civil at ang Cuadrillero, bucód sa Policía Secreta na itinatag dito sa Maynílà, hindî co matandaan cung ng̃ taóng 1894 ó 1895.—P.H.P.

Return to I.
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings