Note 7 — I.
Pascual Hicaro Poblete translation
Nang panahóng sulatin ni Rizal ang Noli me tangere ay hindi pa umaagos dito sa Maynila ang tubig na inumíng nanggagaling sa ilog San Mateo at Marikina. Talastas nang madla, na ang guinugol sa pagpapaagos na ito ay ang ipinamanang salapi, upang iucol sa ganitong bagay, ni D. Francisco Carriedo, castilang naguíng magistrado sa Real Audiencia nang una. ¡Salamat sa isáng castílà, sa isáng hindî nating caláhì ay nagcaroon ang Maynílà ng̃ tubig na totoong kinacailang̃an sa pamumuhay! Maraming mayayamang filipinong bago mamatay ay nagpapamana ng̃ maraming salapî at mahahalagáng cayamanan sa mg̃a fraile ó sa mg̃a monja, datapowa't hindî nang̃ababalinong magpamana ng̃ anó mang iguiguinhawa ó magagamit sa pamumuhay ng̃ caniláng mg̃a cababayan. Walâ rin acóng nalalamang nagawáng handóg sa mg̃a filipino ang mg̃a fraile na macacatulad ng̃ pamana ng̃ dakilang si Carriedo; gayóng dahil sa mg̃a filipino cayâ yumaman at naguíng macapangyarihan ang mg̃a fraileng iyan.—¡Culang palad na Filipinas!—Nang di pa umaagos ang tubig na inumíng sinabi na ay sa ilog Pasig ó sa mang̃a ibáng nacaliliguid sa Maynilà umiiguib nang inumín at ibá pang cagamitan sa bahay, sacali't ang bahay walang algibe ó tipunán ng̃ tubig sa ulán.—P.H.P.