← Table of contents
Noli Me Tangere

Note 31 — I.

Pascual Hicaro Poblete translation

Caraniwang tinatawag na "biscuit" ang biscochong na sa mg̃a maliliit na latang nanggagaling sa Inglaterra. Tinatawag dito sa ating "biscocho" ang mg̃a malulutóng na tinapay, gaya ng̃ tinatawag na "biscocho y caña" at "biscocho y dulce," at ang tunay na biscocho'y tinatawag na "sopas" ng̃ mg̃a dî nacaaalám ng̃ wicang castílà. Ng̃ayo'y gumágawâ na rito sa atin ng̃ masasaráp na biscochong hindî saból sa mg̃a nanggagaling sa Inglaterra, ang La Perla ni G.J.E. Monroy, ang La Fortuna ni G. Claro Ong at ibá pa. Carapatdapat papurihan ang mg̃a cababayang itóng naglíligtas sa Filipinas na bomobowís sa mg̃a taga ibáng lupaín sa pagbilí ng̃ mg̃a bagay na dito'y nagágawâ.—P.H.P.

Return to I.
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings