Note 28 — I.
Pascual Hicaro Poblete translation
Taga ibáng lúpà, sa macatuwid ay hindî taga Filipinas ang cahulugán ng̃ sabing "extranjero." Gayon ma'y dî caraniwang tawaguing "extranjero" ang insíc, ang castílà, ang turco, ang japonés, ang bombay, ang colombo at ibá pa; sila'y tinatawag ditong insíc, castílá, "turkiano," japón, bombay, colombo. Tinatawag lamang "extranjero" ang inglés, alemán, francés, suizo at ibá pa, sa pagca't iniuucol lamang ang sabing "extranjero" sa mg̃a mang̃ang̃alacal na may malalaking puhunan.—P.H.P.