Note 22 — I.
Pascual Hicaro Poblete translation
Natuclasán ang paggawâ ng̃ "piano" ng̃ siglo XIII at siyang naguing cahalili ng̃ "clavicordio" at ng̃ "espineta." Alinsunod sa anyô at lakí ay tinatawag na piano de mesa, piano de cola, piano de media cola, piano vertical, piano diagonal at iba pa. Ang piano de cola'y nacahigang parang mesa, na sa isáng dulo'y malapad at sa cabiláng dulo'y makitid at isá sa mg̃a lalong mahál ang halagá.—P.H.P.