← Table of contents
Noli Me Tangere

Note 5 — I.

Pascual Hicaro Poblete translation

Colado, ang taong hindi inaanyayaha'y cusang dumádalo sa isang piguíng. Maraming di ano lamang sa mañg̃a bayanbayan, at lalonglalo na dito sa Maynilà, ang mañg̃a taong di nating calahì, na hindî man inaanyayahan ay nagdudumalíng dumaló sa mang̃a piguíng nang mang̃a filipino, na canilang tinatawag na indio, at ang mang̃a taong yaong di natin calahì ang siyang tinatawag ni Rizal na mang̃a colado sa piguíng.—P.H.P.

Return to I.
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings