Note 1 — FLORANTE at ni LAURA
Reading edition
NANGYAYARI. Hindi "nangyari", gaya n~g nasa "Kun sino ang kumatha ng Florante" at ng sa (1906) iniingatan ni Dr. Pardo de Tavera. Sa palimbag ni G. P. Sayo balo ni Soriano, nang 1919, ay "nangyayari" rin ang nakalagay, gaya rin ng inihayag ng pahayagang "Katwiran"—dahong tagalog ng tagapamansag ng mga naging pederal o progresista—noong Oktubre ng 1903.