Note 9 — CAY CELIA
Reading edition
"dica mapaparam". Sa ingat ni De los Santos ay napaghahalatang "di ka napaparam" ang nakalagay, gaya ng na kay P. Sayo at sa "Kun sino ..."
Ang pagkakasulat ng "dica" ay isang maliwanag na kamalian, na kay damidaming kasama sa aklat na ito, sa kasalanan ng limbagan. Ang mga gaya niyan—paris ng "dipa" (di pa), "dico" (di co), "cona" (co na), "copa" (co pa), "mona" (mo na), atbp., ay mga kamaliang sagana sa aklat. Pinapagsasama ang mga salitang tig-isang pantig, at may mga salita namang ginagawang parang dalawa o higit pa, kung minsan.