Note 7 — CAY CELIA
Reading edition
QUINALALAGUI-AN. Sa "Kun sino ..." ay kinalalagian" din ang nakalagay; subali't sa palimbag ni P. Sayo ay "kinalalagyan", at ganito rin sa malas ang kay De los Santos—pagka't "en el Makati río donde se reflejaba" ang pagkakakastila niya. Ang "reflejaba", bagama't di siyang katumbas ng "kinalalagyan", ay siyang tanging maikakapit dito, upang maging maganda ang pangungusap, palibhasa'y kawangis din ng "kinalalagyan" o "kinalalarawanan" ang "kinalalagyan"; samantalang hindi maikakastila sa "kinalalagian".
Nariyan ngayon ang isang bagay, na dapat liwanagin. Alin kaya riyan ang totoo? Ang "kinalalagian" o ang "kinalalagyan"? Maimamatuwid, na labis ang pantig ng "kinalalagian", kaya tama ang "kinalalagyan"; subali't maimamatuwid namang labis din ang kasunod na talata, labingtatlo rin ang "binabacas co rin sa masayang doongan", nguni't iginalang ito at di iniklian. Mapaghahalatang susog diya'y mali ang "kinalalagyan", at "quinalalagui-an" ang tunay na ibig sabihin ni Balagtas, pagka't "lagi" na sa Makating ilog si Celia, at siyang ilog na liniligawan ng Makata. At ayon kay G. Victor Baltazar, anak ng Makata, ay "quinalalagui-an" nga ang tama sa natatandaan nilang magkakapatid.