Note 3 — CAY CELIA
Reading edition
MACALIGTAANG CO ... Narito na naman ang isang kasagwaan na ngayon, bagama't magandang pakinggan noong araw. Kaya, itinumpak at ginawang "nakaligtaan ko" ng "Kun sino ..." at ni P. Sayo. Marami ang makikitang ganito sa aklat na ito—na sakali mang hindi kasagwaan, nang panahon ni Balagtas, ay itinuturing na nating isang kasagwaan, sapagka't nakasusugat na sa pangdingig ngayon.
May palagay kaming sa loob ng ilang panahon ay mawawala na sa pagsulat ang ganyang kasagwaan sa ligazon, gaya ng pagkawala ng mga sumusunod, sa halimbawa: "kanya nga" sa lugal ng "kaya nga", "bungmalong" sa lugal ng "bumalong", "kungmain" sa lugal ng "kumain", "maselang"' sa "maselan", "kungdi" sa "kundi", atbp.