Note 7 — Sigalot ng̃ mg̃a pang̃ulo sa dalawang balang̃ay
Reading edition
Aní Rizal, ay napagkikilalang may malabis na kasunduan kay sa digmaan dito sa pagkakaayon-ayon ng̃ mg̃a tuntunin, at di malayó anyang, may isang malaking pagkakasunduan dito; sapagka't ang pinakapang̃ulo rito sa Maynilà, ay pinakapunong-hukbo ng̃ Sultan sa Borneo. Anya'y may mg̃a kasulatan noong siglo XII na nagpapatotoo nito.