Note 40 — José Protasio Rizal Mercado
Reading edition
"Tulisán sa dagat" ang tunay na cahulugan sa tagalog ng̃ wicang castílang "filibustero", ayon sa "Diccionario de la lengua castellana" na gawâ ng̃ "Real Academica Española"; ng̃uni't dito sa Filipinas ay binigyan ng̃ mg̃a castílà ng̃ ibang cahulugan. Tinatawag dito nilang "filibustero" ang filipinong ayon sa mg̃a sapantáhà nila'y nag-aacalang lumabag at maglugso ng̃ capangyarihan ng̃ España sa sangcapuluang ito at ng̃ macapagsarili. Pinag-uusig ng̃ gobierno ng̃ castílà ng̃ catacot-tacot ng̃ panahong iyon ang bawa't filipinong mapaghinalaang may budhíng "filibustero". Cung sabihin ng̃ mg̃a di marunong ng̃ wicang castila'y "plibastiero."