← Table of contents
Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal

Note 14 — José Protasio Rizal Mercado

Reading edition

Ang Diariong Tagalog ang caunaunahang pámahayagang wicang castílà at wicang tagalog na inilathálà sa araw-araw. Sapagca't ng̃ panahóng iyo'y inuusig ang sino mang filipinong nagpapakita ng̃ pagcamalulugdín sa mg̃a calayaan; inilagáy na ang namamatnugot sa Diariong Tagalog ay ang castilang si Don Francisco Calvo Muñoz, na Administrador ng̃ Rentas Estancadas; ng̃uni't ang tunay na sumusulat ay si G. Marcelo Hilario del Pilar at si G. Pascual H. Poblete. Tumutulong ding madalás si G. José Cuaderno.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings