Note 63 — José Protasio Rizal Mercado (continued 3)
Reading edition
Ang Joseph na ito ay tubò sa Arimathea, isáng maliit na bayang ng̃ una'y tinatawag na Ramlet, na na sa lupaíng naguing pag-aarì ng̃ tribu ni Dan, sa dacong hilagaan ng̃ Lydda. Nananahan si Joseph ng̃ panahóng yaon sa Jerusalem, sa pagca't doo'y may mg̃a lupà siya at bahay, at siya'y lihim na alagad ni Jesucristo, na cawang̃is naman ng̃ maraming mayayamang tagaroon. Ng̃ mamatay si Jesús sa Cruz, humarap si Joseph cay Pilato, sa pag-asa niyang siya'y caaalang alang̃anan, dahil sa siya'y Senador at tawong mayaman, at canyang hining̃î ang bangcay ng̃ Màrtir sa Gólgota, na canyang pinahiran ng̃ gamot at pabang̃ó, na ang casama niya'y si Nicodemo, at ang bangcay ni Cristo'y inalibing niya, na ang catulong niya'y ang sinabi ng̃ si Nicodemo, sa isang yung̃ib, na na sa lupaing canyang pag-aari, na hindi nálalayò sa pinagpacuan cay Cristo. Hindì co masabi cung ano ang kinahinatnan nang banal na si Joseph sa pagca't walang sinasabi tungcol sa canya ang mg̃a Evangelio at "Ang mg̃a gawa ng̃ mg̃a apostol."—Mateo XXVII. 75; Marcos XV. 42 Lucas XXIII. 50; Juan XIX, 37.
Ang cahulugan nang pang̃alang "Nicodemo" ay "dugong walang sala." Capanig nang panahong iyon si Nicodemo sa secta nang mg̃a fariseo, siya'y príncipe nang mg̃a judío at alagad na lihim ni Jesucristo. Isang gabí ay nakipagkita siya cay Jesús at sila'y nagsalitaan ng̃ mg̃a bagay na mahahalagá. Itinuro sa canya nang dakilang Maestro ang pang̃angaìlang̃ang magbagong buhay ayon sa tacdâ nang Espíritu Santo, sa pamamag-itan nang pananampalataya sa Anac nang Dios, na ipinagcaloob sa sanglibutan at nang magtamó ng̃ walang hangang buhay ang lahat ng̃ sa caniya'y sumampalataya. Ang naguing bung̃a ng̃ pagsasalitaan nilang ito'y ang pagbabalic loob ni Nicodemo, na mulâ niyao'y naguing alagad ni Jesús, cahit sa lihim, bagay na anaki'y pinagcacakilalanan ng̃ cahinaan ng̃ canyang pananampalataya sa Mananacop. Walang ibang sinasabi sa Evangelio tungcol sa canya cung di ang canyang pagsasanggalang cay Jesús ng̃ ito'y ibig sanang dacpín ng̃ mg̃a fariseo isang araw. Ng̃ mamatáy sa Cruz si Jesús, nagdalá si Nicodemo ng̃ sandaang librang nagcacahalong "mirra" at "áloe" at ng̃ siyang mailagay na pabang̃o sa catawan ng̃ Mananacop, bagay na guinawâ niya sa tulong ni Joseph na taga Arimathea. ¿Ano ang naguing buhay ni Nicodemo pagcatapos? Hindi co masabi, sapagca't walang sinasaysay sa bagay na ito ang mg̃a Santong Casulatan. Juan III. 1-21; VII. 500 at XIX. 39.