Note 59 — José Protasio Rizal Mercado (continued 3)
Reading edition
Si Anan ó Anas ay anac ni Seth, Sumo Pontífice nang mg̃a judío, at bianan ni Cayfas, na siyang caacbay niya sa pagcapapa. Nang hulihin si Jesús ay dinalá muna ito sa bahay ni Anas.—Lucas III. 2; Juan XVIII; 13.
Sa pagca't siya ang pang̃ulong punò ng̃ mg̃a sacerdote, siya ang nang̃ulo sa pulong na pinagdalhan sa mg̃a apóstol ni Jesús, upang sa canila'y ipagbawal ang pagpapatuloy ng̃ pang̃ang̃aral.—Hechos IV. 6. Sinasabi ni Josefo, na si Anas ay inihalal na Sumo Pontífice ni Cyrenio, gobernador sa Judea, at siya ang inihalili cay Joaron na binawian nang mataas na catungculang iyon. Si Anás naman ay inalisàn nang catungculan ni Valerio Grato, procurador nang Judea, na inihalal ni Tiberio Neron, at ang inihalili sa caniya'y si Ismael, na anac ni Phabi.—Joseph. Antiquit lib. XXVIII cap. II.