← Table of contents
Balarilang Tagalog

Note 40 — IKAAPAT NA BAHAGI Pagsulat ó Ortografía

Reading edition

Sásamantalahín ko sa kabanatang itó ang aking pagpapaliwanag hinggíl sa pagtatalotalong nangyayari ukol sa mg̃a salitâng hirám. Lubhâng marami ang nagpápalagáy at sumasang-ayon na ang mg̃a salitâng hirám ay dapat isulat sang-ayon sa panunulat nating ginagawâ, paris sa halimbawà ng̃ Pilipinas, Espanya, Amérika, Karlos, atbp. May marami rin namán ang nagpápalagáy na dapat igalang ang pagkakásulat ng̃ isáng salitâng hirám; sa katagâng sabi’y huwág bábaguhin ayon sa pinanggaling̃an, hal.: Filipinas, España, América, at ibá pa. At pará sa akin, yamang ang isá’t isá ay may katuwirang pinagbábatayán ay kapuwà ko silá iginalang gaya ng̃ mábabasa sa kabanatang itó.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings