Note 37 — IKAAPAT NA BAHAGI Pagsulat ó Ortografía
Reading edition
Marami ang nagbabago sa kudlít na salakót sa mg̃a ganitóng salitâ at hinahalinhán ng̃ kudlít na mariín, sapagkâ’t anilá’y ang pagbigkás ay tugmâ sa hulíng kudlít na itó paris ng̃ masamâng tao sa halimbawà. May katwiran din sana ang mg̃a sumusulat ng̃ ganitó, dang̃an lamang ang bagay na itó’y bukód sa makasisirà sa talagáng pinagmulán ng̃ salitâ ay maáarìng mapagkamalán sa ibáng pang̃ung̃usap.