Note 1 — XVIII MG̃A KADAYAAN
Patricio Mariano translation
Gayon man, si Ben-Zayb ay hindi nálilisya. Ang tatlóng paa ng̃ dulang ay may ukit na siyang dinadaanan ng̃ mg̃a salaming nátatago sa ilalim ng̃ tuntung̃an at hindi nápupuna dahil sa mg̃a guhit na paríparisukát ng̃ alpombra. Paglalagáy ng̃ kaha sa ibabaw ng̃ mesa ay pinipisíl ang isáng resorte at dahandahang tumátaás ang mg̃a salamín; pagkatapos ay aalisin ang kayo na pag-iing̃atang buhatin at huwag bataking padausdós at sa gayón ay naaayos ang dulang nang kagaya ng̃ karaniwang dulang ng̃ mg̃a “ulong nagsasalita”. Ang dulang ay may butas na lusót sa ilalim ng̃ kaha. Matapos ang pagtatanghal ay tatakpang mulí ng̃ nagpapalabás ang dulang, pipisilín ang isá pang resorte at bababa namán ang mg̃a salamín.